Miss World 1977

Ang Miss World 1977 ay ang ika-27 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 17 Nobyembre 1977. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Cindy Breakspeare ng Hamayka si Mary Stävin mula sa Suwesya bilang Miss World 1977. Ito ang ikatlong tagumpay ng Suwesya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Ineke Berends ng Olanda, habang nagtapos bilang second runner-up si Dagmar Winkler ng Alemanya. Mga kandidata mula sa animnapu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Ray Moore at Andy Williams ang kompetisyon. Nagtanghal din si Williams sa edisyong ito.


Developed by StudentB